Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makakamtam na ng mga Pilipino ang ‘Unique Brand of Service’ at Advanced Transport Systems sa bansa sa pagtatapos ng konstruksyon ng Metro Manila Subway Contract package 104 sa 2028.
Sa kabila nang pag-ulang naranasan kaninang umaga, tiwala ang Pangulong Marcos na napakaliwanag pa rin ng bukas, ngayong sisimulan na ang konstruksyon ng kauna- unahang Metro Manila Subway sa bansa.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Punong Ehekutibo na sakaling maging operational na ang proyekto ay inaasahang aabot sa 150,000 na mga pasahero ang maseserbisyuhan nito kada araw.
Nakapaloob aniya ang foreign-assisted project na ito sa official development assistance program at pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), katuwang ang Tokyo Construction Corporation Limited, Tobishima Corporation at Megawide Construction Corp.
As we break the ground for this portion of our subway system, we fervently hope to soon enjoy the benefits that it brings to the general public with accessible designated stations that can cater to a massive volume of passengers.
We anticipate helping our people skip the long lines of traffic and even spare themselves from the perils of commuting.” Tinig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
—ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)