Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maglabas ng Unique Philippine Identification System (PHILSYS) number para sa mga rehistradong indibidwal sa first quarter ng 2023.
Ayon kay PHILSYS Registration Officer-In-Charge Engineer Fred Sollesta, nasa 71.1 M Pilipino na ang registered sa National ID kung saan 25 million na ang nakatanggap ng physical cards.
Dahil dito, nasa 50 million pa ang backlog ng ahensya.
Pero aniya, natugunan na nila ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng (e-Phil ID), isang printed digital id na may security features.
Samantala, sinabi ni Sollesta na nasa 2.6 million e- Phil ID na ang kanilang nailabas at target din nito na makapag-generate ng kabuuang 20 million sa susunod na buwan.