Nananawagan ng suporta sina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio para sa mga pilipinong inventor sa bansa.
Ayon sa Uniteam, dapat buhusan ng benepisyo, pondo at sapat na suporta ang mga ito upang magkaroon sila ng inspirasyon na ipakilala ang tunay na galing sa buong mundo.
Sa katunayan, sa eskuwelahan pa lang ay mahalagang malinang ang kagalingan ng bawat estudyante.
Dahil dito, hinihikayat ni Marcos ang lahat ng estudyanteng huwag mag-atubiling sundin ang mga pangarap sa buhay.
Samantala, nais din ni Marcos, na palakasin ang kalidad ng solar panel sa bansa.
Isa na rito ang liter of light na imbensiyon ng Filipino innovator na si Illac Diaz na isang solar lamp na napailaw mula sa recycled plastic soda.
Ang mga ganitong uri ng imbensiyon aniya ay malaking inspirasyon at karangalan sa bansa.