Nakapagtala na ng unang kaso ng Monkeypox virus ang United Arab Emirates (UAE) na kauna-unahang nagkaroon ng nasabing sakit sa Arab States of the Persian Gulf.
Ang Arab States of the Persian Gulf ay binubuo ng Kuwait, Bahrain, Qatar, UAE, Oman, Saudi Arabia at Iraq.
Kabilang pa sa mga bansang nakapagtala ng kaso ng Monkeypox virus ay ang Australia; Austria; Belgium; Czech Republic; Denmark; Finland; France; Germany; Italy; Netherlands; Portugal; Slovenia; Madrid, Spain; Sweden; Switzerland; England, United Kingdom; Israel; Argentina; Quebec Province, Canada; at United States.
Inaasahan naman na mas tataas pa ang bilang ng kaso ng Monkeypox virus sa buong mundo.
Samantala, naniniwala ang maraming eksperto na nananatiling mababa ang overall risk nito sa general population.