May bago ng hari ang United Kingdom.
Sa katauhan ito ni Prince Charles III na makikilala na bilang King Charles III.
Hinirang si King Charles III matapos pumanaw ang ina nito na si Queen Elizabeth II, Longest-Reigning British Monarch na namuno ng 7 dekada.
Sa Balmoral Castle sa Scotland binawian ng buhay si Queen Elizabeth kung saan present ang buong royal family.
Naka-half staff na ang bandila sa Britanya at White House, naka-dark ang royal webiste at nakapatay ang ilaw ng Eiffel Tower bilang pakikiramay sa nangyari.
Sa ngayon, nagpaabot na ng pakikiramay sa pagpanaw ng reyna ang ilang world leaders kabilang ang white house, sina Pope Francis, Italian Prime Minister Mario Draghi, Ukrainian President Volodymyr Zelensky, United Nations Secretary General António Guterres at iba pa.
Ngayong araw inaasahang magbibigay ng public address si King Charles III bilang bagong hari ng Britanya.