Inamin ng pamahalaan ng United Kingdom na nakararanas sila ng kakulangan sa suplay ng antibiotic laban sa bacterial infection sa mga bata.
Partikular ang Penicilin V na ginagamit sa pediatrics.
Ginawa ng naturang bansa ang pahayag matapos masawi ang 19 na bata sa kanilang lugar dahil sa severe case ng group a streptococcus infection, at shortage sa ibang uri ng antibiotics sa Europe at North America.
Nakikipag-ugnayan naman ang UK government sa manufacturers para sa suplay ng naturang gamot.