Naalarma na ang United Nations (UN) sa pagkalat ng COVID-19 sa North Korea.
Ibinabala rin ng UN–World Health Organization na maaaring lumala ang sitwasyon lalo’t malaking bilang ng populasyon ng nokor ang hindi bakunado kontra COVID-19.
Handa naman ang WHO na sumaklolo sa gitna ng pinangangambahang outbreak ng Omicron variant na maaaring magkaroon ng napakalaking epekto sa nabanggit na bansa.
Sa ngayon ay nasa 1.5 milyong katao na ang nagkakasakit sa North Korea, kabilang ang 56 na nasawi sa loob lamang ng mahigit isang linggo.