Ibinabala ng United Nations o UN na posibleng makaranas ng matinding pagkagutom o sever hunger ang tinatayang labingwalong milyong mamamayan sa Sahel Region sa Africa sa susunod na tatlong buwan.
Ayon sa UN, ito’y dulot ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, coronavirus pandemic, climate change, at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Maliban dito, nagbabala rin ang Office for the Coordination of Humanitarian Affairs o OCHA na maaaring ito rin ang magtulak sa maraming mamamayan para mag-migrate sa ibang lugar.
Binanggit pa ng UN na apektado rin ng hunger crisis mula pa noong 2014 ang apat na bansa sa Africa na kinabibilangan ng Burkina Faso, Chad, Mali at Niger.