Naglabas ng $1112M ang United Nations Central Emergency Response fund (UNCERF) para sa mga binayo ng bagyong Odette.
Malugod na tinanggap ni Un Country Team Coordinator Gustavo Gonzales ang nasabing halaga upang matulungan ang mga komunidad sa pagbangon matapos masalanta ng bagyo.
Una rito, inanunsyo rin ng European Union (EU) na maglalaan sila ng €2.83M o ₱160.69M na halaga ng humanitarian assistance sa mga lugar na matinding nasalanta ng bagyong Odette sa Pilipinas.
Samantala, sinabi ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa 326 ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Odette. —sa panulat ni Kim Gomez