Pinag so – sorry ng Department of Foreign Affairs si United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard dahil sa di umano’y pinsalang idinulot nito sa Pilipinas.
Ayon kay DFA Secretary Perfecto Yasay, naging iresponsable si Callamard sa kanya umanong arbitrary findings ukol sa estado ng extra judicial killing sa bansa dahil hindi ito beripikado.
Iginiit ng kalihim na kaya inimbita ni Pangulong Rodrigo Duterte si Callamard ay makita nito ang tunay na estado ng EJK sa bansa at magamit ito para sa kanyang konklusyon.
Desisyon umano ni Callamard kung itutuloy nito ang pagbisita sa bansa sa pamamagitan ng imbitasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte kalakip ang mga kondisyon nito o sa pamamagitan ng UN protocols.
By: Rianne Briones