Umapela na ng $160 million na tulong ang United Nations para sa Pakistan.
Kasunod ito ng nararanasang pagbaha sa Pakistan kung saan nahihirapan nang iligtas ang mga pamilyang na-stranded at makapaghatid din ng pagkain sa mga lugar na mahirap puntahan.
Ayon kay UN secretary-general Antonio Guterres, milyong halaga ang kanilang kailangan para mailigtas ang mga residenteng na-trap sa mga bahay, paaralan, ospital bunsod ng hindi matigil na monsoon rains.
Sa huling tala, mahigit 1, 100 katao na ang nasawi sa pakistan na puminsala sa mahigit 33 milyong katao at sumira sa maraming imprastruktura at pananim.