Inabisuhan na ni US Defense Secretary James Mattis ang United States Armed Forces na maghanda na sa posibleng pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Amerika at North Korea.
Ito, ayon kay Mattis, ay sakaling hindi magtagumpay ang diplomatic talks ng US at North Korea sa gitna ng posibleng paghahanda ng NoKor sa panibagong missile launch o nuclear test, ngayong araw.
Handa naman ang Britanya na tumulong sa Amerika at South Korea sa oras na magkagipitan.
Sa panig ng SoKor, handa na ang kanilang tinatawag na black out o graphite bombs na maaaring ibagsak sa mga malaking power line na magreresulta sa pagka-paralisa ng mga underground military facility sa NoKor.
Samantala, pinaghihinay-hinay ni Russian Foreign Minister Sergey Lavrov ang US sa halip ay pairalin ang diplomasya at ipagpatuloy ang negosasyon upang mapigilan ang pinangangambahang digmaan.
—-