Humigit kumulang 6,000 ang nakilahok sa isinagawang unity walk, inter-faith prayer rally at peace covenant signing sa Quezon Memorial Circle kaninang umaga.
Layon nito na ipanalangin ang bansa para sa isang mapayapa at ligtas na pagdaraos ng 2019 mid-term elections sa darating na buwan ng Mayo.
Dumalo sa naturang aktibidad ang mga opisyal mula sa COMELEC o Commission on Elections, AFP o Armed Forces of the Philippines at PNP o Philippine National Police.
Present din sa naturang pagtitipon ang ilang mga kandidato sa pambansa at lokal na puwesto para mangako ng kanilang katapatan na hindi kailanman gagamit ng tatlong “g” sa halalan tulad ng guns, goons at gold.
Maliban sa Quezon City, sabay-sabay ding isinagawa ang naturang aktibidad sa iba’t ibang panig ng bansa para manalangin at lumagda ng kasunduan para sa isang tapat at kapani-paniwalang halalan.