Pinapurihan ng United Nations-World Health Organization o WHO ang pagsasabatas sa Universal Health Care Act.
Ayon kay Gundo Weiler, WHO representative sa bansa, ang matagumpay na pagpasa sa naturang batas ay mayroong napakalaking potensyal upang palawakin ang kalidad at abot-kayang serbisyong medikal para sa bawat Pilipino.
Hindi lamang anya mga pinoy na walang kakayahang magpagamot ang makikinabang sa Universal Health Care o UHC Law kundi ang lahat ng mamamayan.
Ito’y dahil sa ilalim ng UHC ay otomatikong miyembro na ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth ang lahat ng mamamayan.