Nakatakda nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging isang ganap na batas ang Universal Health Care o UHC Bill, ngayong araw.
Sa oras na isabatas, magkakaroon ng isang national health security program na may mandatong universal health care coverage at benepisyo para sa lahat.
Ayon sa Malakanyang, kasabay ng signing ceremony ang paglakip ni Pangulong Duterte ng kanyang signature of approval sa Revised Corporation Code, Philippine Sports Training Center act;
New Central Bank Act, paglikha ng dalawang legislative districts ng Southern Leyte at turnover ng Bangko Sentral ng Pilipinas dividends.