Mas maraming Pilipino ang makikinabang sa Universal Health Care Law (UHC) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Nakasaad sa republic act no. 11223 o ang UHC law na simula 2021 hanggang 2025 magtataas ng .5% kada taon ang philhealth contribution.
Uumpisahan naman ng philhealth ang pangongolekta ng mas mataas na kontribusyon sa kanilang mga miyembro ngayong 2022.
Mula sa kasalukuyang 3.5%magiging 4% na ang singil ng ahensya hanggang sa maabot ang 5% limitation sa taong 2025.
Layun nito na mapatatag ang pondo ng Philhealth para sa kapakanan ng bawat pilipino alinsunod sa Universal Health Care Act.
Dahil sa UHC awtomatikong maituturing nang myembro ng philhealth ang lahat ng mga pilipino.