Hindi kakayaning ipatupad ang Universal Health Care law sa 2020 ang unang taon nito.
Ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng house committee on appropriations.
Ayon kay Duque, kulang pa ang pondo para sa malawakang implementasyon ng naturang batas.
Aniya, kailangan ng P257-B para mapakinabangan at tuluyang maramdaman ng lahat ang Universal Health law.
Sa kabila nito, iminungkahi naman ni Duque na ipatupad na lamang ito sa ilang piling lugar maging maging modelo sa pagpapatupad ng batas sa unang taon nito.