Awtomatik nang maco – cover ng Philhealth ang lahat ng mga Pilipino matapos aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 5784 o Universal Health Coverage Bill.
Sa botong 222 na ‘Yes’ at 7 na ‘No’, habang walang abstention ay tuluyan nang naipasa ang panukala na inakda ni Batangas Representative Vilma Santos.
Lumabas sa report ng Philhealth na 8% pa sa mahigit 100-M populasyon ng Pilipinas ang hindi pa miyembro ng Philhealth at sa sariling bulsa pa kinukuha ang kanilang ipinambabayad sa mga pagamutan.
Kabilang din sa mahalagang probisyon ng universal health care ang pagbibigay ng lahat ng serbisyong pangkalusugan tulad ng dental, mental at emergency care health services.
Sa ilalim din ng panukala ay ire-reconstruct ang Philhealth bilang Philippine Health Security Corporation.