Binulabog ng bomb threat ang UDM o Universidad De Manila.
Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng text message ang UDM kaninang tanghali kaya’t nagpadala kagaad ng bomb diosposal unit para mag inspeksyon sa buong eskuwelahan.
Inabisuhan din kaagad ang mga estudyante na lumikas na bago mag inspeksyon ang mga awtoridad.
Ipinabatid ni Vice Chancellor Ronald Herrera na walang natagpuang pampasabog sa UDM kung saan kaagad pinabalik sa klase ang mga estudyante subalit mahigpit na ang pinaiiral na seguridad dito.
TINGNAN:
Universidad de Manila, binulabog ng bomb threat ngayong tanghali. | (Photos from: Nicole Chavez) pic.twitter.com/dWgdXynGde— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 29, 2018