Posibleng dumami pa ang bilang ng mga unibersidad na makababalik sa face-to-face classes sa School Year 2022-2023.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero De Vera na sa ngayon, nasa 313 universities ang nagpahayag na magbabalik na sa in-person classes sa susunod na school year.
Sa ngayon, kakaunti pa lamang ang nagbukas na mga paaralan pero kapag mas nagluwag ang restrictions sa ibang lugar ay siguradong madadagdagan pa ito.
Batay aniya sa inilabas na guidelines ng iatf, pinapayagan dito ang mga higher educational institutions na magsagawa ng face-to-face classes gamit ang 100% classrooms capacity sa mga lugar na nasa Alert level 1.