Magtatayo ng ospital para sa mga cancer patients ang University of the Philippines.
Ayon sa naturang Unibersidad, nakatakda na ang expansion ng Philippine General Hospital (PGH) sa pagtatayo ng UP Philippine General Hospital (UP PGH) Cancer Center at ang UP PGH Diliman na inilatag ng Investment Coordination Committee (ICC)-Technical Working Group sa ICC Technical Board para sa muling pag-endorso sa ICC cabinet committee noong Marso a-10.
Base sa pag-aaral ng UP National Institutes of Health na 189 sa bawat 100,000 na Pinoy ang nakakaranas ng sakit na cancer; 4 ang namamatay sa kada oras habang 96 naman ang bilang naman ng mga namamatay kada araw.
Ipatutupad ang UP-PGH Cancer Center bilang tugon ng unibersidad sa lumalaking hamon at kumplikadong cancer care na magkakaroon ng 200 hanggang 300 beds sa loob mismo ng kampus ng unibersidad sa Ermita, Maynila.
Samantala, magkakaroon naman ng 700 beds public tertiary ang UP PGH Diliman na may alok ng mga sumusunod na specialty services:
- Genomics and Genomic Research
- Neurovascular Surgery and Neurosciences
- Oncology and Wellness Center
- Hospice and Palliative Care
- Primary Care in a Multispecialty Outpatient Facility
- Integrative Medicine
- Rehabilitation and Musculoskeletal Center
- Biomechanical devices and Equipment Center
- Sports Medicine
- Hematology
- Infertility and Difficult Pregnancy
- Geriatrics and Home Care
- Disaster Risk and Reduction
—sa panulat ni Angelica Doctolero