Naka-intercept ng isang unknown aircraft sa paikot-ikot sa airspace ng bansa ang jet fighters ng Philippine Air Force sa Bolinao, Pangasinan.
Ayon sa PAF, na-detect ng PADCC o Philippine Air Defense Control Center ang isang hindi matukoy na inbound aircraft sa Padiz o Philippine Air Defense Identification Zone, 120 nautical miles Hilagang Kanluran ng bayan ng Bolinao.
Ipinabatid din ng PAF na tinagurian ng CAAP ang nasabing aircraft bilang “unknown aircraft of interest”.
Dahil dito ..nag-isyu ang PAF ng scramble order sa dalawang FA-50 jets na nasa ADCC at binigyan ng misyong harangin ang nasabing aircraft para sa kaukulang visual identification.
Kaagad na nag-iba ng direksyon ang aircraft at mabilis itong pinalipad papalayo sa airspace ng Pilipinas.