Matapos lumabas ng bansa ang bagyong Nika, namemeligro pang tumagal sa pagkakababad sa baha ng mga lalawigan ng cagayan at isabela dahil naman sa bagyong Ofel.
Bukod sa flashfloods, tinukoy din ng DENR-Mines and Geosciences Bureau ang dalawang nabanggit na probinsya na may pinaka-maraming barangay na lantad sa landslides.
Kabilang sa tinukoy ng mga National Disaster Risk Reduction Management Center Waterways na namemeligro pang umapaw ang Cagayan River na maaaring magpalubog sa mas maraming lugar, gaya ng Tuguegarao City.
Batay sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, halos 1,7000 kataong naninirahan sa mga mababang lugar sa Tuguegarao, mga bayan ng Alcala, Baggao, Ballesteros, Buguey, Iguig, Pamplona, Peñablanca, Solana ang nagsilikas dahil sa baha.
Batay sa projection ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyong Ofel sa mainland Cagayan o Northern Isabela area ngayong hapon.