Bumaba ang naitalang unloading incidents at service interruptions sa Metro Rail Transit o MRT 3 para sa taong 2018.
Batay sa datos ng DOTr o Department of Transportation, mahigit 50 lamang ang naitalang bilang ng unloading incidents noong 2018, mababa ito ng malaking porsyento kumpara sa mahigit 400naitala noong taong 2017.
Mula naman sa 75 service interruptions na naitala noong 2017 ay bumaba na lamang sa 17 ang naitalang insidente noong nakaraang taon.
Samantala, dumami rin ang bilang ng mga bumabiyaheng tren dahil sa patuloy na maintenance at rehabilitation sa mga ito.