Ilalarga na ng Mindanao International Container Terminal (MICT) ng Bureau of Customs (BOC) sa susunod na linggo ang pag-unload ng mga basura ng Verde Soko Philippines Incorporated.
Ayon kay MICT Port Collector John Simon, nagsimula na sila sa repacking, containerizing at pag-transport ng basura galing sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Papalo sa P7.5-M ang kailangang pondo ng Verde Soko sa pagpapabalik ng natitirang 5,000 metriko toneladang basura patungong SoKor.
Una nang nagkasundo ang mga government officials ng Tagoloan, Misamis Oriental at mga kinatawan ng Ministry of Environment ng South Korea na mai-ship out ang mga basura ngayong June 30.