Bumagsak ang isang Unmanned Aerial Vehicle (UAV) ng Philippine Air Force (PAF) sa Cagayan De Oro kahapon.
Ayon sa ulat ng PAF, 9:30 ng umaga nang paliparin ang Hermes 900 drone para magsagawa ng functional check flight o FCFsa Lumbria airport.
Lumipad ang UAV sa taas na 10,000ft.
Pagkatapos ng satisfactory FCF procedure, nagpasya ang mga piloto na ibaba sa 5,000ft. Sa 1.5 miles East of Lumbria airport ang nabanggit na UAV.
Pero nawalan ang piloto ng komunikasyon dito bandang 11:46 ng umaga.
Wala namang nasaktan o ari-ariang napinsala.
Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng paf ang dahilan ng naturang insidente.