Nagsagawa na ng closed-door emergency meeting ang United Nations Security Council sa gitna ng pagsiklab ng panibagong tensyon sa Korean peninsula.
Kapwa kinundena rin ng mga miyembro ng konseho ang paglulunsad ng missile tests ng North at South Korea.
Ayon sa United Kingdom, na permanent member ng Security Council, isang malaking banta sa seguridad sa Indo-Pacific Region ang panunumbalik ng gulo sa Korean peninsula.
Isa anilang malinaw na paglabag sa security council resolution ang isinagawang missile tests ng North at South Korea sakaling mapatunayang kargado ang mga ito ng armas nukleyar.
Noong miyerkules ay nagpakawala ng ballistic missile ang NoKor mula sa isang tren sinagot ng SoKor sa pamamagitan ng isa ring ballistic missile test mula naman sa isang submarine. —sa panulat ni Drew Nacino