Inihayag ni Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA Research na dapat nang paghandaan ng gobyerno ang unti-unting pagluluwag ng restriction sa mga Pinoy na fully vaccinated na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Paliwanag ni Austriaco, pinapayagan na sa ibang bansa gaya sa Estados Unidos at South Korea na hindi na magsuot ng face mask sa pampublikong lugar ang mga nakapagpabakuna na.
Ani Austriaco, paraan na rin ito para maiparamdam sa publiko na may pagasa sa gitna ng nararanasang pandemya at panghihikayat na rin sa mga may agam-agam pang magpabakuna.
Ipinabatid din ni Austriaco na suportado niya na bigyang prayoridad na mabakunahan ang mga residente sa Metro Manila at kalapit lalawigan na itinuturing na “hotbeds ng COVID-19″.
Una rito, nagbabala si infectious disease expert Eva Roxas kaugnay sa posibleng panganib pa rin kapag agad-agad na hindi na nagsuot ng face mask ang mga fully vaccinated na.