Iminumungkahi ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion ang unti-unting pagtanggal ng mga quarantine restrictions para sa mga international travelers kapag humupa na ang Omicron surge.
Ayon kay Concepcion, na ang pag-phase out ng facility based quarantine at paglipat sa home-based quarantine para sa mga international na manlalakbay ay makatutulong upang mas mabilis na makabangon ang sektor ng turismo sa bansa.
Samantala sinabi rin ng presidential adviser, na hindi kaagad ipapatupad ang ‘no quarantine’ kundi ang unti-unting pagtanggal ng quarantine restrictions sa Pilipinas.
Gayunpaman, sinabi ni Concepcion na ang pagku-quarantine ay hindi nakatulong sa bansa na maiwasan ang mga variant ng COVID-19. —sa panulat ni Kim Gomez