Plano na ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster dose sa mga lugar na nagbibigay ng booster jabs.
Ito’y matapos magsimula ang third wave ng Bayanihan, Bakunahan program sa Pilipinas.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 adviser Ted Herbosa, nakatuon ang kanilang pansin ngayon sa national vaccination drive na ikinasa ng gobyerno.
Dagdag ni Herbosa, kasama na rito ang mga pribadong pharmacies na una nang nakiisa sa Resbakuna sa Botika ng pamahalaan.
Habang patuloy naman anya ang paghikayat sa mga unvaccinated na indibidwal na magpaturok na ng 1st dose ng bakuna.
Samantala, pinalawig naman ang 3rd round ng pambansang bakunahan hanggang February 18, 2022.