Kinontra ng bagong kalihim ng Department of National Defense ang mungkahing ibalik ang kasunduan sa pagitan ng ahensiya at ng University of the Philippines.
Matatandaang nagsimula noong 2021, ang UP-DND accord kung saan, kailangan munang humingi ng pahintulot mula sa paaralan bago magsagawa ng operasyon ang mga police at military personnel sa loob ng UP Campuses.
Mariin namang tinutulan ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr., ang isinusulong na batas dahil tanging ang U.P. lang ang mayroong kasunduan sa pagitan ng dnd kahit marami namang pampublikong paaralan sa bansa.
Tiniyak naman ng Defense Secretary na kaniyang susuportahan ang mungkahi sakaling maisabatas at lagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukala.