Itinuturing na isang “positive development” ng Department of National Defense (DND) ang katatapos lamang na diyalogo nito sa University of the Philippines (UP).
Ito ay upang makahanap ng paraan na makausad at mas mapagtibay pa ang pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa mga academic institutions sa bansa.
Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, naghayag ng pagiging bukas ang DND upang pakinggan ang posisyon ng pamunuan ng UP.
Dahil dito, umaasa rin aniya ang DND na magiging bukas ang UP community na makipag-ugnayan sa kanila upang matiyak na hindi mabibiktima ang mga kabataan ng mga taong magkakayag sa kanila sa krimen at kasamaan.
Una rito, pinangasiwaan ni CHED Chairman Prospero De Vera III ang pagpupulong sa pagitan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at UP President Danilo Concepcion, kahapon, upang talakayin ang usapin sa pagpapawalang bisa sa UP-DND accord.