Inirekomenda ng mga expert mula sa University of the Philippines ang kanselasyon ng klase hanggang sa disyembre para mapabagal ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ayon kay up Resilience Institute Executive Director Mahar Lagmay ay dahil lumalabas sa model na inihanda ng up COVID-19 pandemic response team na ang social interaction ay pinakamataas sa mga may edad zero hanggang 19 years old bracket na nasa 56%.
Sinusundan ito ng mga may edad 20 hanggang 39 na nasa 29%, 13% naman ang mga nasa 40 to 59 years old at 2% sa mga 60 years old pataas.
Sinabi ni lagmay na base sa mga model malaki ang maibabawas sa transmission ng COVID-19 ang kawalan ng klase hanggang sa buwan ng Disyembre.
Inihayag naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala pang desisyon hinggil dito ang Pangulong Rodrigo Duterte bagamat isang expert naman ang nagsabing kapag sinuspindi ang klase, wala ring medical students na ga graduate sa panahon na kailangan ng bansa ng medical graduates gayundin ng nursing graduates.
Una nang inihayag ni education secretary na sa agosto sa halip na sa hunyo ang pagbubukas ng 2020 academic year dahil sa COVID-19 subalit bahala na aniya ang IATF at Pangulong Duterte na magpasya kung kailan maaaring buksan ang darating na school year.