Suportado ng UP Fighting Maroons basketball team ang desisyong paglipat sa professional league ng tinaguriang Rookie of the Year na si Carl Tamayo.
Kasunod ito ng anunsiyo ng atleta na kaniyang tinanggap ang alok na maglaro sa Japan B. League kung saan, aminado si Tamayo na ang UP umano ang nagbukas sakaniya ng mas maraming opotunidad.
Ayon sa UP Men’s Basketball Team, naiintindihan nila ang hangarin ni Tamayo na mapabilang sa international players kaya susuportahan nila ang desisyon nito.
Nilinaw din ng UP na bago pa maglaro si Tamayo sa UAAP ay nakatanggap na ito ng tawag o alok mula sa ibang bansa kaya kanilang irerespeto at pahahalagahan ang maiksing pamamalagi nito sa UAAP noong Season 84 at 85.
Matatandaang sinabi ni Tamayo na isa sa kaniyang mga pangarap ang maging isang professional basketball player simula pa noong naglalaro pa lamang siya bilang “Organized Basketball Player.”