Nababahala ang UP o University of the Philippines sa anila’y kuwestyonableng pagkakapatay kina Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.
Ayon kay UP Diliman Chancellor Michael Tan, nangangamba na sila sa kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan sa anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration.
Kasabay nito, inihayag ni Tan na tuluyan nang binura ng mga otoridad ang pagkakataong makapag-aral muli si Arnaiz matapos nila itong patayin.
Si Arnaiz ay tumigil sa kaniyang pag-aaral sa UP Diliman sa kursong interior design, dahil umano sa depresyon.