Inilabas na ngayong Huwebes ng University of the Philippines ang resulta ng mga nakapasa sa UP College Admissions Test (UPCAT) para sa academic year 2021-2022.
Batay sa abiso ng UP, maaaring makita ng mga aplikante ang resulta sa application portal.
Kakailanganin nila ritong i-log in ang kanilang username at password na ginamit nila nuong application period.
Pinayuhan din ng UP Office Admissions ang mga aplikante na sundin ang itinakdang time slot kung kailan bibistahin ang portal.
Ang itinakdang oras ay batay sa unang letra ng apelyido ng aplikante.
Ito anila ay para maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa portal o online traffic.