Nangunguna pa rin ang University of the Philippines sa mga pinaka-mahusay na pamantasan sa bansa, batay sa Q.S. World University rankings.
Umakyat sa rank 367 ang U.P. ngayong taon mula sa dating 374th noong 2016 makaraang umani ng 32.9 percent na score.
Ang U.P. ang tanging Unibersidad sa Pilipinas na umangat sa world rankings.
Pumangalawa ang Ateneo De Manila University na sumadsad sa 551 to 600 rank mula sa dating 501 to 550, noong isang taon; nananatili naman rank 701st to 750th ang De La Salle University;
Bumulusok din ang rankin ng University of Santo Tomas sa sa 801 to 1000 mula sa dating 701 to 750.
By: Drew Nacino