Ito ayon kay UP-NIH Director Eva Dela Paz ang maituturing na pinaka-common symptom ng Delta variant ng coronavirus bagama’t paiba iba aniya ang iba pang sintomas ng nasabing variant.
Ipinabatid ni Dela Paz na ang Delta variant batay sa report ng maraming bansa ay nagdudulot ng mas maraming pagkaka ospital lalo nat mabilis itong makahawa kumpara sa iba pang variant at 60% na higit na infectious kaysa alpha na una nang na-detect sa United Kingdom.
Ayon naman kay Dr. Edsel Maurice Salvana, miyembro ng IATF-TAG lumalabas sa pag-aaral ng Australia na mas maikli pa sa 15 minutes na close contact ang epekto ng Delta variant na kaagad nakakahawa o nakaka -nfect kapag dumaan lamang sa harap ng isang hindi infected ang isang dinapuan ng Delta variant.
Mas matindi rin aniya ang kapit ng Delta variant sa mas maraming tao partikular ang mga bata.