Nagbabala ang UP OCTA Research Team laban sa pagbiyahe mula isang probinsya patungo sa isa pang probinsya na malaking banta sa pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Professor Guido David miyembro ng research team nadadala ang sakit sa pagbabiyahe ng mga tao lalo na’t ang epicenters ng COVID-19 ay National Capital Region o Metro Manila at CALABARZON o Region 4A.
Dahil dito binigyang diin ni David na kailangang ikasa ang mas mahigpit na health protocols sa pagbabiyahe sa mga lalawigan para maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na’t unti-unting binubuksan ang turismo sa ibang lugar tulad ng Baguio City, Tagaytay at Boracay.