Inanunsyo ng University of the Philippines (UP) ang pagpanaw ni Prof. Aileen Baviera ng UP Asian Center.
Batay sa anunsyo ng UP, pumanaw si Prof. Baviera sa San Lazaro Hospital sa Maynila, mag-4:00 kaninang umaga.
Nabatid na pumanaw si Prof. Baviera sanhi ng pneumonia dulot na rin ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Si Prof. Baviera ay hipag ng Vice President for finance ng Aliw Broadcasting Corporation na si ginoong Cholo Baviera.