Hinimok ni University of the Philippines Pandemic Response Team Professor Jomar Robajante ang publiko na huwag magpakampante hinggil sa pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.
Aniya, ito’y dahil nagkaroon ng pagbabago sa strategy ng Department of Health (DOH) sa mga indibidwal na ite-test kung saan ang sumasailalim lamang dito ay ang mga tinamaan ng severe at critical condition ng COVID-19 habang maaring sa bahay na mag-isolate o quarantine ang mga nakakaramdam ng mild case.
Dagdag pa niya, kailangan pa ring mag-ingat ang publiko kahit na may indikasyon ng pagbaba ng hospitalization rate sa NCR dahil hindi naman ito ganoon kabilis.
Samantala, sinabi ni Robajante na dapat tutukan ang Region 5 dahil sa pagtaas ng ICU occupancy dahil sa COVID-19. - sa panulat ni Airiam Sancho