Umapela ang PhilHealth sa publiko na kaagad ipaalam sa kanila ang anumang kaso ng ‘upcasing’ o uri ng health insurance abuse.
Kasunod na rin ito nang naglalabasang video posts kung saan ilang health care providers ang nakikipagtalo sa mga pasyente para ideklara ang minor respiratory symptoms tulad ng asthma bilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) para makakuha ng mas mataas na benepisyo.
Kapag napatunayang totoo ang mga alegasyon, tiniyak ng PhilHealth na papanagutin ang sinumang sangkot sa ilegal na aktibidad.
Ayon sa PhilHealth, ang ‘upcasing’ ay tumutukoy sa anumang uri ng health insurance fraud na may katapat na P200,000 na multa sa kada bilang o suspensyon ng kontrata ng health care provider ng hanggang tatlong taon.