Matapos ang mahigit tatlong taon, muling magkakaroon ng college entrance test ang University of the Philippines (UPCAT) sa taong 2023.
Noong 2020 huling isinagawa ang exam nang hindi pa nagsisimula ang COVID-19 pandemic na sinuspinde ng tatlong beses hanggang ngayong 2022.
Sa March 2023 bubuksan ng unibersidad ang aplikasyon para sa UPCAT 2024 habang ang examination ay sa June 3 at 4 ng parehong taon sa halos isang daang testing centers sa bansa.
Kwalipikadong sumailalim sa pagsusulit ang mga Grade 11 students na magtatapos ng senior high school sa katapusan ng academic year 2024-2025.
Inamin naman ng unibersidad na ang maagang schedule para sa upcat ay para masiguro ang maagang paglalabas ng resulta lalo at inaaasahan nito ang malaking bilang ng mga aplikante.- sa panunulat ni Hannah Oledan