Inanunsyo ng pamunuan ng University of the Philippines (UP) na hindi sila magsasagawa ng UP College Admissions Test (UPCAT) para sa academic year 2022-2023.
Ayon sa UP, ito ay dahil sa kakaharaping logistical challenges ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya.
Ito na ang pangalawang sunod na taon na sinuspinde ang UPCAT.
Sinabi pa ng UP na gagamitin nila ang ‘admission scoring model’ na unang ginamit sa pagkuha ng first-year students sa academic year 2021- 2022 kung saan nakabase ito sa academic performance ng aplikante noong high school.
Maliban sa UP, sinuspindi rin ng Ateneo De Manila University at University of Santo Tomas ang kanilang college entrance exams dahil sa pandemya.