Pinagsusumite na ng paliwanag at updates ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Bank of the Philippine Islands (BPI) kasunod ng naitalang isyu sa kanilang sistema ngayong araw.
Sa inilabas na pahayag ng BSP, sinabi nito na mahigpit na silang nakikipag-ugnayan sa nabanggit na bangko kaugnay sa insidente ng double debit transaction na nakaapekto sa mga BPI accountholders.
Inihayag naman ng BSP na natukoy na ng BPI ang ugat ng error sa pagpapatakbo at nangakong ibabalik ang mga maling transaksyon at serbisyo sa mobile at internet banking sa lalong madaling panahon.
Matatandaang, simula kaninang 8:30 am nagsimulang hindi ma-access ng kanilang mga customer ang mobile app ng naturang bangko.
Dahil umano ito sa hindi awtorisadong “0431 debit memo” na kanilang natanggap sa kanilang accounts.
Top trending Tweet na sa twitter ang problema sa sistema ng BPI na may #0431 Debit Memo.