Naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng updated na guidelines sa pag-aayos ng mga electronic payments o e-payments sa ilalim ng National Retail Payment System (NRPS) framework.
Ayon kay BSP governor Benjamin Diokno, ang bagong hanay ng mga patnubay na ito ay inaasahang magpapalakas sa credit at settlement risk management para e-payments.
Sinabi pa ng BSP governor, na ang mga alituntunin sa pag-aayos ay nagbibigay ng mga responsibilidad at pinakamababang kinakailangan na dapat sundin ng mga financial institutions.
Idinagdag pa ni Diokno ang pagpapalabas ng mga alituntunin ay para tiyakin na ang mga sistema ng pagbabayad ay pinapatakbo sa isang ligtas, mahusay at maaasahan na paraan. —sa panulat ni Kim Gomez