Naglabas ng updated na ruta ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa Traslacion 2020 na gaganapin sa Enero 9.
Katulad ng sa mga nakalipas na Traslacion, magsisimula ang prosisyon sa Quirino Grandstand at magtatapos sa Quaipo Chruch.
Mula sa Quirino Grandstand, ay dadaanan nito ang mga sumusunod na lugar:
- Katigbak Road through Padre Burgos Street
- Finance Road through Ayala Boulevard
- Palanca Street
- Quezon Boulevard
- Arlegui Street
- Fraternal Street
- Vergara Street
- Duque de Alba Street
- Castillejos Street
- Farnecio Street
- Arlegui Street
- Nepomuceno Street
- Concepcion Aguila Street
- Carcer Street
- Hidalgo through Plaza del Carmen
- Bilibid Viejo through Gil Puyat Street
- J.P De Guzman Street
- Hidalgo Street
- Quezon Boulevard
- Palanca Street through under Quezon Bridge
- Villalobos through Plaza Miranda
- Quiapo Church
Una rito, sinabi ni Quiapo Parish Priest Fr. Ding Coronel na dadaan ng Ayala bridge ang Traslacion sa halip na sa Jones bridge na ginawa noong nakalipas na taon.