Ipinasilip na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang updated na listahan ng mga sangkot sa illegal drugs trade.
Sa isang pulong sa Malacañang kasama ang mga mining company, makikitang hawak ni Pangulong Duterte ang isang binder na may nakasulat na “Updated as of July 25, 2017.”
Nakasulat din sa gilid ng binder ang mga katagang “Validated” at PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency.
Gayunman, hindi pa isinasapubliko ni Pangulong Duterte ang nilalaman ng bagong narco list.
By Drew Nacino