Ilalabas na ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas ang kanilang upgraded cyber-security framework sa susunod na buwan.
Ito’y upang palakasin ang depensa ng mga bangko sa bansa laban sa mga hackers makaraan ang sunud-sunod na technical glitches na naranasan ng ilang malalaking bangko.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, bahagi ng kanilang upgraded cyber-security framework ang mabilis na paggalaw sa pagitan ng regulator at ng mga financial institutions gayundin ang automated compliant handling system para sa mga consumers.
Magagawa aniya ito sa pamamagian ng makabagong teknolohiya tulad ng text messaging o SMS gayundin sa messaging application na viber sa mga mobile o smartphones.