Makakahinga na mula sa matitinding pagbaha ang Quiapo at Binondo area.
Tiniyak ito ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino makaraang buksan na ang upgraded pumping stations sa Binondo at Quiapo area.
Ayon kay Tolentino, computerized na motor ng dalawang pumping stations na may kapasidad na sampu hanggang labing limang libong litro kada minuto at sumasakop sa 270 at 250 hectares.
“At dati po ay vertical pa, ngayon submersible, nakalubog na po doon sa may malapit sa Pasig River, yung capacity at coverage po ay na-increase, good for another 40 years na po ito, ang kalaban lang po natin dito ay basura.” Pahayag ni Tolentino.
By Len Aguirre | Ratsada Balita